^

PM Sports

Fruitas sinolo ang liderato

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinawakan ng Fruitas ang solo-liderato sa PBA D-League Foundation Cup nang kunin ang 95-91 double overtime panalo sa Blackwater Elite kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Lumutang ang pagi-ging mas batang koponan ng Shakers nang puno pa rin ng enerhiya na naglaro sa ikalawang limang minutong extension para umangat sa 3-0 at ipalasap sa Elite ang unang pagkatalo matapos ang dalawang dikit na panalo.

“Malakas ang determinasyon ng mga bata na manalo,” wika ni coach Eric  Gonzales na umupo kahalili ang head coach na si Nash Racela.

Si Carlo Lastimosa ay mayroong 21 puntos habang si Russel Escoto ay may double-double na 11 puntos at 15 rebounds para pangunahan ang koponan.

Bumagsak naman ang 4-time defending champion NLEX Road Warriors sa ikalawang sunod na pagkatalo sa kamay ng Cebuana Lhuillier, 64-71, habang ang baguhang EA Regen Med ay nagdomina sa Hog’s Breath, 83-58, sa ikatlong laro.

Ang pinag-agawang manlalaro na si 6’6” Ian Sangalang ay nasa EA Regen na at nagpasiklab ito sa kanyang itinalang 12 puntos upang patatagin ang puwersa sa ilalim.

vuukle comment

BLACKWATER ELITE

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

IAN SANGALANG

NASH RACELA

PASIG CITY

REGEN MED

ROAD WARRIORS

RUSSEL ESCOTO

SI CARLO LASTIMOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with