^

PM Sports

Engrandeng panalo ng Lim Grand Story

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanatiling walang talo ang kabayong Lim Grand Story sa buwan ng Marso matapos kakitaan ng kahanga-hangang lakas sa pagremate noong Sabado na ginawa sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa mas mataas na class division 5 tumakbo ang limang taong colt na ginabayan ng regular na hineteng si Val Dilema at pinawi nito ang mahinang takbo sa unang yugto ng karera gamit ang nagbabagang pagtatapos.

Sa huling 25 metro sa 1,300m distansya nakuha ng Lim Grand Story ang kalahating-katawang agwat na siyang nagpanalo sa kabayong may lahing Success Story at Vola sa Flo Jo na hawak ni CV Garganta.

Kumabig ang mga nagtiwala sa Lim Grand Story ng P82.00 sa win habang ang forecast na 5-3 ay naghatid ng P233.00 dibidendo.

Nagpakitang-gilas din ang apprentice jockey na si JB Guerra matapos ipanalo ang nadehado ring My Sweet Leonora sa isang Handicap Race (5) na isinagawa sa 1,300m distansya.

Ang anak ng WindBlown sa Neat  Laurel na My Sweet Leonora ay kumilos sa huling 50 metro at pinalad din na biguin ang malakas na pagda-ting ng Dear Jane tungo sa tagumpay.

Halagang P51.50 ang ipinasok ng panalo ng anim na taong kabayo habang P170.50 ang dibidendo sa 1-6 forecast.

Napangatawanan ng Bridal Chimes ang pagi-ging paboritong kabayo sa mga tumakbo sa 13 karera para tuhugin din ang ikalawang sunod na panalo sa buwang kasalukuyan.

Halagang P7.50 ang ibinigay sa win habang ang 3-5 forecast ay mayroong ipinamahaging P23.50 dibidendo.

 

BRIDAL CHIMES

DEAR JANE

FLO JO

HALAGANG

HANDICAP RACE

LIM GRAND STORY

MY SWEET LEONORA

SAN LAZARO LEISURE PARK

SUCCESS STORY

VAL DILEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with