MANILA, Philippines - Malalaman ngayon kung sino sa 14 na kabayo ang puwedeng maging palaban sa itatakbong 2013 Triple Crown sa paglarga ng Philracom Chairman’s Cup sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona Cavite.
Mangunguna sa mga 3-year old horses na kasali ay ang dalawang pambatong kabayo ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na Cat’s Silver at El Libertador.
Noong nakaraang taon, ang kaba-yong pag-aari ni Abalos na Hagdang Bato ang siyang nagdomina sa tatlong yugtong karera para maisama sa talaan ng Triple Crown winners at ito ay tiyak na nais na masundan sa taong ito ng batikang horse owner.
Parehong napalaban na sa isang mil-yang distansya ang dalawang kabayong nabanggit at ang Cat’s Silver ay papasok sa laban na hindi pa natatalo sa dalawang takbo.
Ang posibleng makaapekto sa ipakikita ng coupled entries ay ang pagsakay ng ibang hinete dahil ang Cat’s Silver at El Libertador ay gagabayan ngayon nina AR Villegas at KB Abobo.
Si Jonathan Hernandez na siyang hinete ng Cat’s Silver at El Libertador ay sasakay sa Appointment na kanyang naihatid sa segundo at panalo sa unang dalawang takbo.
Ang iba pang kasali ay ang mga kabayong Diving Eagle (MA Alvarez), Spinning Ridge (V Dilema), Captain Ball (CV Garganta), Tarzan (JB Bacaycay), Apo (JA Guce), Alta’s Finest (RG Fernandez), Señor Vito (JPA Guce), Azimuth (P Dilema), Jazz Connection (FM Raquel Jr.), Be Humble (JT Zarate) at Five Star (JB Guce).
Lahat ng mga kabayo ay palaban dahil sa P2 mil-yong premyo na isinahog sa karera at ang mananalo ay magbibitbit ng P1.2 mil-yong gantimpala.