Malaysian Riders lalahok sa Le Tour

MANILA, Philippines - Hindi kasali ang sports sa nangyayaring kaguluhan sa Sabah.

Ito ang pinatunayan ng Malaysia nang maglahok ng koponang Terranganu sa 4th edition ng Le Tour de Filipinas na nakatakda sa Abril 13 hanggang 17 at magsisimula sa Pagudpod na matatapos sa Baguio City.

“Sports is really a unifying factor and cycling is no exception. We’re happy the Malaysians are joining, they’ve been fixtures for the last four years so we’re really not surprised,” wika ni PhilCycling chairman emeritus Bert Lina ng Lina Group of Companies.

Nauna nang umatras ang Malaysia sa pagsali sa Asian Youth Boxing Championship sa Subic at sa isang friendly match sa Philippines Azkals.

Ang Malaysia ay isa lamang sa 25 bansang inimbitahan para sa 2013 Le Tour de Filipinas, ang tanging cycling event na kasali sa kalendaryo ng UCI, ang international cycling federation.

Ang ilan sa 14 foreign teams na nagkumpirma ng kanilang paglahok sa nasabing four-day cycling event bukod sa Terranganu ay ang Dutch Global ng the Netherlands, Perth ng Australia, Atilla ng Mongolia, CNN ng Taiwan, Team Direct ng Hong Kong, Tabriz at Mirror Zamani ng Iran, Korean Railway ng Korea, Positivi Peugeot ng Japan, Ploygon ng Ireland, Portuguese CT ng Portugal at ang Brunei Cycling Team ng Brunei.

Ang anim na local squads na  makikipagsabayan ay ang Phl National team, Navy-Standard, LPGMA-American Vinyl, Marines Cycling Team at ang mga continental squads na Team 7-Eleven at LBC-MVPSF Cycling Pilipinas.

“The Le Tour de Filipinas is an extremely important cycling event in Asia and the only one in the Phl to be part of the UCI Asia Tour,” sabi ni UCI president Pat McQuaid.

Ang Stage One sa Abril 13 ay isang 175.5-kilometer race sa Pagudpud-Aparri kasunod ang Stage Two (196-km) sa Aparri-Cauayan, ang Stage Three (104-km) sa Cauayan-Bayombong at ang Stage Four (132-km) sa Bayombong-Baguio.

 

Show comments