^

PM Sports

20-sunod na panalo sa Miami: Kobe Bryant namilipit sa sakit

Pang-masa

PHILADELPHIA -- Hinirang ang Miami Heat bilang pang-apat na koponan na nagtala ng 20 o higit pang sunod na tagumpay sa isang season matapos talunin ang Philadelphia 76ers, 98-94, nitong Miyerkules ng gabi.

Tumipa si LeBron James ng 27 points para pangunahan ang Heat.

Tatlong koponan lamang ang nakapaglista ng 20 o higit pang sunod na panalo sa isang season. Ito ay ang 1971-72 Los Angeles Lakers (33), ang 2007-08 Houston Rockets (22) at ang 1970-71 Milwaukee Bucks (20).

Nagdagdag naman ng 21 points si Dwyane Wade para sa Miami.

“Twenty is special,’’ wika ni Wade. “Win 20 games in a row, it’s awesome. You can’t get around it. We’re going to try to go for the next one.’’

Si Wade ang nagbigay ng mahahalagang puntos para sa Heat sa huling dalawang minuto sa fourth quarter.

Ang tip in ni Wade mula sa mintis ni James ang nagbigay sa Miami ng isang three-point lead sa natitirang 29 segundo para tuluyang talunin ang Sixers.

Nauna nang tinalo ng Miami ang Atlanta noong Martes bago isinunod ang Philadelphia.

Sa Atlanta, nakalasap si Kobe Bryant ng isang sprained left ankle injury sa 92-96 kabiguan ng Los Angeles Lakers kontra sa Atlanta Hawks.

Ang kabiguan ng Lakers ang pumigil sa kanilang four-game winning streak at ikatlo lamang nila sa hu-ling 12 laro.

Tumipa si Bryant ng isang baseline jumper sa hu-ling tatlong segundo sa fourth quarter na siya sanang nagtabla sa laro, ngunit sa kanyang pagbaba ay naapakan niya ang paa ni Dahntay Jones ng Hawks.

Namilipit sa sakit si Bryant, ngunit walang itinawag na foul kay Jones.

Habang negatibo ang kanyang mga X-rays, maaa-ring hindi makalaro ang 16-year veteran sa karamihan ng asignatura ng Lakers.

ATLANTA HAWKS

BRYANT

DAHNTAY JONES

DWYANE WADE

HOUSTON ROCKETS

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

MIAMI HEAT

MILWAUKEE BUCKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with