^

PM Sports

Boston binalak dalhin si Pierce sa Dallas para kay Smith

Pang-masa

BOSTON --- Bago matapos ang trade deadline, nagkaroon ang Boston Celtics ng pagkakataon para palakasin ang kanilang kampanya.

Ito ay sa pamamagitan ng isang three-way deal na magdadala sa kanila kay Josh Smith mula sa Dallas kapalit ni Boston forward Paul Pierce.

Gusto naman ng Atlanta ang first-round draft pick ng Celtics.

Nagkaroon ng pag-uusap ang Celtics at ang Mave­ricks para makuha si Pierce kapalit ni Smith.

Gumawa ng magandang alok ang Dallas nang isa­ma sa trade sina Jae Crowder, Brandan Wright at Dahntay Jones papunta sa Atlanta.

Sa kabila nito, hindi pumayag ang Boston na tuluyan nang ikinamatay ng naturang three-way trade.

Alam naman ni Celtics coach Doc Rivers ang gustong mangyari ni general manager Danny Ainge para palakasin ang kanilang koponan.

Sa pagharap ng Hawks sa Celtics sa Boston, naipanalo ng Celtics ang 13 sa kanilang huling 17 laro sapul nang mawala si point guard Rajon Rondo nga­yong season dahil sa injury.

Naglakasan naman sina Pierce at Kevin Garnett kasama si Avery Bradley.

Sa kanilang 34-27 record, tangan ng Boston ang No. 7 seed sa Eastern Conference.

AVERY BRADLEY

BOSTON CELTICS

BRANDAN WRIGHT

DAHNTAY JONES

DANNY AINGE

DOC RIVERS

EASTERN CONFERENCE

JAE CROWDER

JOSH SMITH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with