^

PM Sports

NU Bulldogs tinalo ang FEU para sa UAAP crown ?

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng National University ang pagkauhaw sa titulo sa UAAP men’s volleyball nang lapain ang Far Eas­tern University, 26-24, 25-22, 23-25, 25-19, sa Game Three ng kanilang cham­pionship series kahapon sa The Are­na sa San Juan.

Si Berlin Paglinawan ay humataw ng 16 puntos, habang si Peter Torres ay tumapos taglay ang 15 puntos pa­ra angkinin ng Bulldogs ang titulo la­ban sa Tamaraws, 2-1.

“Hindi nasayang ang hirap namin. Tiyaga at sipag lang,” pahayag ni Torres na siyang hinirang na Most Valua­ble Player.

Nag-ambag naman si team captain Rueben Inaudito ng 13 points.

“Sobrang saya. Ang tagal naming hi­nintay ’to,” wika naman ni Bulldogs head coach Dante Alinsunurin. “Tatlong taon naming hinintay pero ngayon du­mating na. Nagpapasalamat kami sa Diyos na ibinigay na sa amin.”

Nabigo naman ang FEU sa tinatarget na ika-26 titulo nang hindi nasaba­yan ang tikas ng NU.

Ito ang ikaapat na titulo sa mens division ng Bulldogs ngayong UAAP season matapos ang mga panalo sa beach volley, badminton at tennis events.

Ang pagkapanalo ng NU ang opis­yal na nagsara sa aksyon ng taon.

DANTE ALINSUNURIN

FAR EAS

GAME THREE

MOST VALUA

NATIONAL UNIVERSITY

PETER TORRES

RUEBEN INAUDITO

SAN JUAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with