CHARLOTTE, N.C. – Inihayag ng Bobcats na mawawala si guard Ramon Sessions ng dalawa hanggang apat na linggo dahil sa second degree MCL sprain sa kaliwang tuhod.
Sinabi ng team nitong Huwebes na ang kanyang meniscus at ligaments ay intact at hindi niya kaila-ngan ng operasyon.
Lumaro si Sessions ng 20 minutes nitong Miyerkules ng gabi sa pagkatalo ng Charlotte kontra sa Brooklyn, 99-78 at tila wala namang naging problema.
Ngunit nagreklamo si Sessions na may nararamdamang masakit pagkatapos ng laro at nakita sa MRI nitong Huwebes ang injury.
Naging malaking tulong si Sessions, nakuha bilang free agent noong offseason mula sa Los Angeles Lakers, sa Bobcats at nag-a-average ng career-high 14.4 points, 3.8 assists at 2.8 rebounds per game.