MANILA, Philippines - Mabilis na nakabawi mula sa dalawang turnovers si Chris Ross para maging bayani sa 89-88 panalo ng Meralco laban sa Air21 kagabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum na nagbigay sa Bolts ng kanilang unang back-to-back win sa conference.
Ibinuslo ni Ross ang dalawang free throws mula sa foul ni Mark Isip, may 11.9 segundo na lamang ang natitira sa laro matapos agawin ang bola kay Mike Cortez upang siguraduhin ang ikalawang sunod na panalo ng Meralco na sumulong sa 3-3 karta.
Bago iyon ay may dalawang magkasunod na turnovers si Ross na naging dahilan para lumamang ang Air21, 88-85 may dalawang minuto na lamang ang natitira sa laro matapos mabaon ng umabot sa 18 puntos sa third quarter.
Hindi sumuko ang Bolts sa pamumuno nina Ross at import Eric Dawson, na tumapos ng 35 puntos at 17 rebounds, para manguna sa Meralco na pinakawalan ang 18 point lead sa third quarter.
“It is really basketball education for us. It’s just a great relief throughout this learning that were finding ways to win... I’m just so happy with the kind of warrior mentality my players have,†pahayag ni Meralco head coach Ryan Gregorio pagkatapos ng panalo.
Bukod kay Ross na nakaiskor lamang ng anim na puntos sa laro pero may 12 assists, limang steals at dalawang rebounds ay nagdagdag din ng 18 puntos mula sa 6-of-9 shooting sa three-point range off the bench si Sunday Salvacion, sampung araw matapos nitong ipanalo ang Meralco sa Globalport, 90-89.
MERALCO 89 - Dawson 35, Salvacion 18, Cardona 11, Hugnatan 8, Ross 6, Hodge 4, Buenafe 3, Manuel 2, Reyes 2, Artadi 0.
Air21 88 - Dunigan 40, Isip 13, Canaleta 7, Custodio 6, Omolon 6, Ritualo 5, Cortez 4, Arboleda 3, Sena 2, Menor 2, Atkins 0, Wilson 0, Baclao 0.
Quarterscores: 26-19, 49-35, 74-64, 89-88.