MANILA, Philippines - Nasa ilalim ng PBA Commissioner’s Cup team standings ang Barangay Ginebra sa kanilang 1-5 na panalo-talo karta.
Pagkatapos magwagi sa kauna-unahang pagkakataon sa conference noong Miyerkules, 93-72 laban sa Barako Bull, muling nakalasap ng kabiguan ang Kings nang igupo sila ng Rain or Shine, 96-93 sa second game noong Linggo.
Maraming fans ng pinaka-popular na koponan sa bansa ang nag-aalala kung makakaabot pa sa playoffs ang kanilang paboritong team.
Tila nakalimutan na ng marami ang huling kampeonato ng Barangay Ginebra, limang taon na ang nakaraan.
Noong 2008 Fiesta Conference, 0-5 at 1-5 din ang simula ng Kings. Halos kapareho ng kanilang kasalukuyang 0-4 at 1-5 ngayon.
Pero nagawa pa ring magkampeon ng Barangay Ginebra noon sa piling ni Chris Alexander.
Iyon ang huling pagkakataong komopo ng kampeonato ng prangkisa ang Ginebra sa PBA.
Yun nga lang, tila hindi mala-Chris Alexander si Vernon Macklin, ang kasaluku-yang import ng Kings.
Pero may walong laro pang nalalabi ang Barangay Ginebra sa eliminations, sisimulan ng laban kontra sa San Mig Coffee sa Linggo. At isang game lamang ang layo ng Kings sa No. 8 spot na kinalalag-yan ngayon ng Barako Bull na may 2-4 record.
Dalawang koponan ang malalaglag pagkatapos ng elims kung saan may tig-14 na laro ang bawat koponan.
Oras na para magpasiklab si Macklin.
Kailangang kumilos na ang Barangay Ginebra.