MANILA, Philippines - Tatlong hinete ang kumubra ng tig-dalawang panalo sa huling araw ng pista sa buwan ng Pebrero.
Noong Huwebes ng gabi sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite nasilayan uli ang husay ng mga beteranong hinete na sina Jonathan Hernandez at Jeff Bacaycay bukod pa sa galing ng baguhang si JB Guerra para magkaroon ng magandang pamamaalam sa ikalawang buwan ng taong 2013.
Si Hernandez ay na-ngibabaw sa mga kaba-yong Fierce And Fierry sa race 2 at Jazz Connection sa race 10 na idineklarang dehado at liyamadong kabayo, ayon sa pagtakbo.
Sa kabilang banda, si Bacaycay ay nangibabaw sa mga kabayong Mr. Integrity sa race 1 at Connor Topnotcher sa race 8.
Lumabas na pangalawang pinakadehadong kabayo na nanalo ang Connor Topnotcher na winakasan ang magkasunod na pang-apat na puwestong pagtatapos sa dalawang takbo sa buwan ng Pebrero.
Naghatid ng P35.00 ang win ng naturang kabayo habang P69.00 ang dibidendo sa tambalan nila ng Masmasaya Sa Pinas na 3-7 sa forecast.
Namayani naman si Guerra sa Michika sa race 5 at sa Paris Melody sa race 7.
Ang panalo ng Paris Melody ay ikaapat na sunod at tinalo ang Deputy Jazz na nalagay sa ikalawang segundo puwestong pagtatapos.
Dikit-dikit ang benta kaya nasa P11.50 ang ibinigay sa win habang P33.00 ang dibidendo sa 6-7 forecast.