Mas malaki ang makukuhang premyo ni Marquez

MANILA, Philippines - Mas malaking prize money ang siguradong matatanggap ni Juan Manuel Marquez sa kanyang pagsagupa kay Manny Pacquiao sa pang-limang pagkakataon kumpara noong Disyembre 8, 2012.

Ito ang tiniyak ni Bob Arum ng Top Rank Promotions matapos makipagpulong kina Marquez at Fernando Beltran ng Zanfer Promotions kahapon sa Mexico.

“Regarding Marquez’s purse, the only thing that I can say is it will be better than what it was in December,” sabi ni Arum sa panayam ng Notifight.com hinggil sa mas malaking premyong matatanggap ni Marquez para sa kanilang pang-limang paghaharap ni Pacquiao sa Setyembre.

Pinatumba ng 39-anyos na si Marquez ang 34-an-yos na si Pacquiao sa huling segundo ng sixth round sa kanilang ikaapat na pagtatapat noong Disyembre 8, 2012 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa naturang laban, tumanggap si Marquez ng guaranteed prize na $6 milyon, samantalang $23 milyon naman ang nakuha ng Filipino world eight-division champion.

Sinabi na ng Mexican four-division titlist na si Marquez na hindi na niya kailangang labanan pa sa pang-limang pagkakataon ang Sarangani Congressman dahil tinalo na niya ito noong Disyembre.

Ayon kay Arum, kung hindi mapaplantsa ang pang-limang upakan nina Pacquiao at Marquez sa Setyembre ay marami pang opsyon ang dalawang boksingero para makahanap ng malalaking laban.

“We’ll discuss things with Juan Manuel for his next fight,” sabi ni Arum. “I agree that for this year a fifth fight between Manny Pacquiao and Marquez is a priority. There is a possibi-lity of doing it in Macao or in the Mexico City Arena. There is also the option Marquez and Pacquiao going against Timothy Bradley, Jr. and Brandon Rios,” dagdag pa ng promoter.

 

Show comments