Laro ngayon
(The Arena, San Juan City)
3 p.m. – Cagayan Valley vs NLEX
(GAME 2- Finals)
MANILA, Philippines - Nananalig si NLEX coach Boyet Fernandez na patuloy na magiging mabangis ang larong maipapakita ng kanyang koponan sa ikalawang tagisan nila ng Cagayan Valley sa PBA D-League Aspirants’ Cup finals ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Galing ang Road Warriors sa 87-63 pangi-ngibabaw sa Rising Suns sa unang tagisan noong Huwebes sa Ateneo Gym para mangailangan na lamang na manalo sa larong itinakda sa ganap na ika-3 ng hapon para sa titulo.
Ramdam naman ni Fernandez na hindi magiging madali ang balak na ito dahil gagawin ng Rising Suns ang lahat para maihirit ang do-or-die Game 3.
“It will not be a walk in the park I know. I respect the coaching staff and the players of Cagayan. They are very much capable of bouncing back,†wika ni Fernandez.
Dahil dito, kakaila-nganin ng Road Warrios na doblehin pa ang sipag na naipakita sa Game 1 para tuluyang maitala sa kasaysayan ng liga ang ikaapat na sunod na titulo sa PBA D-League.
“Kailangan na ang mindset pa rin namin is to start strong, be able to match their energy,†ani Fernandez.
Si Borgie Hermida ang aasahan na magbibigay ng liderato sa koponan matapos ang kanyang 10 puntos at 11 assists sa unang tagisan.
Bukod kay Hermida, sasandal din ang Road Warriors sa tikas na maipapakita nina Ian Sangalang, Greg Slaughter, Nico Salva at Garvo Lanete na nagsanib sa 46 puntos habang si Kevin Alas ay tiyak na babawi matapos magtala lamang ng dalawang puntos sa huling laban.
Gumanda ang opensa ang siyang nais na makita naman ni Cagayan coach Alvin Pua para maitabla ang serye sa 1-1.
“Ang nangyari sa Game 1 ay hindi maganda ang shooting namin. Naging malamya rin ang depensa namin at ito ang dapat na pagtuunan namin sa Game 2,†wika ni Pua.