Granger lalaro na; Bynum nag-practice na; Casspi dinala sa ospital
MANILA, Philippines - Inaasahang magse-season-debut na ngayong Sabado si Indiana Pacers forward Danny Granger, nakibahagi na si center Andrew Bynum sa scrimmage ng Philadelphia 76ers sa unang pagkakataon at nagpasuri naman sa ospital Cleveland Cavaliers forward Omri Casspi dahil sa pananakit ng tiyan.
Hindi pa nakakalaro ngayong season si Granger dahil sa injury sa tuhod ngunit inaasahang lalaro na siya ngayong Sabado kontra sa Detroit Pistons, ayon sa Indianapolis Star.
Pinangunahan ni Granger ang team sa scoring sa ave-rage na 18.7 points per game noong nakaraang season.
Nakibahagi naman si Bynum sa full 5-on-5 scrimmage sa unang pagkakataon ngayong season noong Biyernes, ayon sa Philadelphia Inquirer.
Nauna na niyang sinabi sa mga reporters na magsisimula na siyang mag-practice matapos magrekober sa bone bruises at huminang cartilage sa magkabilang tuhod.
Dinala naman si Casspi sa Orlando Regional Me-dical Center para sa evaluation ng matinding pana-nakit ng tiyan. Hindi siya inaasahang lumaro nitong Sabado kontra sa Magic.
Inihayag din ng Cavs na hindi lalaro si guard Da-niel Gibson dahil sa personal na kadahilanan.
- Latest