Barkley sumali sa game show na ‘The Price Is Right’

MANILA, Philippines - Ipinagdiwang ni Charles Barkley ang kanyang ika-50 kaarawan sa pamamagitan ng pagsali sa popular na CBS daytime game show na ‘The Price is Right’.

Si Barkley ay naging bahagi ng ikalawang annual ‘Celebrity Charity Week’ na nagtampok din kina Sha­ron Osbourne, Disney Channel personality Demi Lo­vato, legitimate Georgian housewife NeNe Leakes at boy-band brothers Nick and Drew Lachey.

Nabigo si Barkley na mahulaan ang presyong $3 para sa isang DVD ng ‘Look Who’s Talking Now’ kung saan siya napanood na nakikipaglaro ng basketball sa isang maliit na bata.

Ngunit dahil tama ang kanyang tatlong sagot, na­nalo si Barkley ng $300 para sa isang lucky audience member.

Si Barkley ay tumutulong sa Mustard Seed School sa Sacramento, Calif. na isang libre at private school para sa mga batang walang matirahan.

Show comments