Mavs nagpalakas ng perimeter offense

DALLAS – Nagtaka si Mavericks owner Mark Cuban na walang masyadong ingay bago ang  trade deadline nitong  Huwebes bagamat gumawa ng minor move ang Dallas sa pakikipagpalitan ng player sa Atlanta.

Napunta si defensive specialist Dahntay Jonesto sa Hawks kapalit ni Anthony Morrow sa hangaring magkaroon ng 3-point threat kasama sina O.J. Mayo at Vince Carter.



Si Morrow tulad ng iba pang Mavericks ay may expiring contract, kaya ang malaking pagbalasa sa Dallas roster ay inaasahang mangyayari sa summer kung saan mapapabilang sina Dwight Howard at Chris Paul sa listahan ng mga unrestricted free agents.



Show comments