Brewer sa Thunder, Maynor sa Blazers

OKLAHOMA CITY – Dahil si Reggie Jackson na ang backup ni All-Star point guard Russell Westbrook, ipinamigay ng Oklahoma City Thunder ang malapit nang maging free-agent na si Eric Maynor sa Portland nitong Huwebes at kumuha sila ng  trade exception para gamitin sa offseason o kaya sa kaagahan ng susunod na season.


Tinangka ring palakasin ng Oklahoma City ang kanilang backcourt para sa huling bahagi ng season nang kanilang ipamigay ang 2014 second-round draft pick sa New York kapalit ni Ronnie Brewer, ang madalas na starter na limang beses na kasama sa playoff teams sa kanyang 6-year career sa NBA.

Ang Thunder ang may second-best record sa Western Conference, bagamat natalo ng tatlong sunod.

Show comments