Nets may offer sa Celtics para makuha si Pierce

MANILA, Philippines - Ang Boston Celtics at Brooklyn Nets ay nagkaroon ng negosasyon para kay Celtics star Paul Pierce, ayon sa source ng Yahoo! Sports.

Ang kagustuhan ng Nets na makipag-trade ay nakasentro kina forward Kris Humphries, guard MarShon Brooks at first-round draft pick, ngunit hindi kontento dito ang Celtics para ibigay si Pierce, ayon sa mga source.

“The Celtics still highly values Pierce and it wouldn’t make sense to trade him for that kind of a package if they’re keeping Kevin Garnett,” sabi ng isang source.

Nagpakita ng interes ang Boston kay forward Mirza Teletovic at nais makakuha ng isa pang first-round pick,  ngunit hindi pumapayag ang Nets na magpa-kawala ng malaki para kay Pierce.

Ang Nets at Celtics ay nag-usap tungkol kay Pierce para sa trade deadline noong nakaraang taon ngunit nagdesisyon ang Celtics na panatilihin ito sa kanilang team para sa kanilang kampanya sa playoff.

Ang 35-gulang na si Pierce na nag-a-average ng 18 points para sa Celtics ngayong season, ay may  – 41 percent field goal shooting lamang, ang pinakamasama niyang naitala sa kanyang kabuuang  walong seasons.

Nagkainteres din ang Boston kay guard C.J. Watson sa hiwalay na negosasyon ngunit ayaw namang pakawalan ito ng Brooklyn.

Sa ngayon, tinapos na ng Los Angeles Clippers ang pakikipag-usap sa Boston Celtics ukol kay Kevin Garnett kapalit ni Eric Bledsoe at DeAndre Jordan, ayon pa sa source ng Yahoo! Sports.

 

Show comments