Rockets nakipag-trade sa Suns at Kings

MANILA, Philippines - Nakuha ng Houston Rockets sa Sacramento si Thomas Robinson, ang fifth overall pick noong 2012 draft, sa naging kasunduan nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa mga source ng Yahoo! Sports.

Ibinigay ng Rockets si Patrick Patterson, Toney Douglas at Cole Aldrich sa Kings.

Sa hiwalay na trade deal, ibinigay naman ng Rockets si Marcus Morris sa Phoenix Suns  para sa 2013 second-round draft pick. Bunga ng deal na ito, makakasama ni Morris ang kanyang kakambal na si Markieff.

Ibinigay ng Kings sina Robinson, ang power forward mula sa Kansas, Francisco Garcia at Tyler Ho-neycutt, ayon sa sources.

Magkasamang naglaro sina Marcus at Markieff sa Kansas at napili bilang 13th at 14th picks noong 2011 draft.  Si Marcus ay naging starter ng 17 games sa Rockets ngayong season, nag-average ng 8.6 points at 4.1 rebounds sa 21 minutes per game.

Sa 51 games ni Robinsons off-the-bench, nag-average siya ng 4.8 points at 4.7 rebounds sa halos 16 minutes per game ngunit kinokonsiderang magiging mahusay na power forward.

 

Show comments