MANILA, Philippines - Genuine at sinserong pag-eestima sa mga taga-suporta ang isa sa mga bagay na pamoso si Living Legend Robert Jaworski.
Personal ko itong naobserbahan sa kanyang pano-norpresa sa selebrasyon ng 80th birthday ni Mommy Toneng ng aking kaibigan na si Jhai Fajardo noong Sabado sa Quezon City Sports Club.
Jaworski fanatic si Mommy Toneng at ang tanong sa akin ni Jhai ay kung maari bang mahilingan ang da-ting sikat na manlalaro at senador na maging sorpresang panauhin sa birthday celebration.
Ang numero lamang ng kanyang ‘trusted man’ na si Reli de Leon ang aking contact sa basketball icon at ibinigay ko ito kay Jhai upang makapagbakasakali.
Biglaan, pasa-pasang paanyaya, dumating si Jawors-ki at pinasaya si Mommy Toneng.
Sadyang hindi tumatalikod sa kanyang mga taga-suporta si Jaworski mula noong katanyagan ng kanyang playing career hanggang ngayong matagal nang ipinahinga ang kanyang basketball shoes.
Mabibilang ang katulad ni Jaworski at pinakamalapit siguro na maihahalintulad si Alvin Patrimonio. Kaya naman hanggang ngayon ay mas tinitilian ang four-time PBA MVP awardee kaysa sa maraming active PBA players.
***
Patuloy naman ang mga panalangin na ibinibigay para kay PBA Hall of Famer Bobby Parks na kasalukuyang nasa kritikal na estado.
“He doesn’t look good,†ani Talk ‘N Text coach Norman Black sa kalagayan ng kanyang kaibigan at kumpare.
Ilang araw na sa ICU ang multi-PBA Best Import awardee at mabuti na hindi bumibitaw ng suporta sa kanya ang kanyang SMC at NU family.
Bago bumalik ang kanyang throat cancer, nagsilbi siyang head coach ng San Miguel Beermen sa ABL at humawak din ng posisyon sa NU Bulldogs kung saan kasalukuyang naglalaro ang kanyang anak na si Bobby Ray.
***
Balik-PBA si Denzel Bowles matapos makumpleto ang termino ng kanyang kontrata sa Chinese league.
Muling pangungunahan ni Bowles ang kampanya ng San Mig Coffee ngayong gabi kung saan haharapin ng Mixers ang Rain or Shine Elasto Painters.
“We enjoyed our time with Matt Rogers – he was a great guy who had some bad luck with us – but it’s great to have Denzel back with us,†ani coach Tim Cone.
“We have a special chemistry with Denzel that all the players felt right away. We’re hoping that all translates to the floor and we can get our conference started,†dagdag pa ni Cone.