D-Rose nakibahagi na sa 5-on-5 drills

DEERFIELD, Ill. – Nakibahagi na si Chicago Bulls star Derrick Rose sa five-on-five drills, isang malaking development sa kanyang recovery mula sa napunit na anterior cruciate ligament sa kaliwang tuhod.

Sinabi ni coach Tom Thibodeau sa mga reporters pagkatapos ng practice na ginawa ni Rose kung ano ang ginawa ng ibang players.

Nasa sideline lang si Rose sapul nang mapunit ang kanyang ACL sa huling bahagi ng nakaraang season sa playoff-opening win kontra sa Philadelphia. Ang top-seeded Bulls ay nasibak sa naturang first-round series.

Gumawa ng ingay si Rose noong nakaraang linggo nang sabihin niyang handa siyang hindi maglaro nga-yong buong season kaysa sa pilitin niyang bumalik agad.

Sinabi naman ng Bulls na nasa schedule pa rin si Rose pero hindi nila ito mamadaliing magbalik-aksiyon.

Ang Chicago ay pumangalawa sa Central division sa taglay na 30-22 win-loss record.

Show comments