MANILA, Philippines - Susubukin ng apat na bansa ang tikas ng mga opisyales ng Myanmar sa gagawing pagsasama-sama para maibalik ang tennis sa SEA Games sa Disyembre.
Ibinulalas ni Roland Kraut nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon ang pagpupulong na gagawin ng mga opisyales ng Indonesia, Thailand, Malaysia at Pilipinas para makabuo ng apela sa Myanmar at bawiin ang desisyon na alisin ang kanilang sport sa mga lalaruin sa 27th edisyon ng SEAG.
Ang pagpupulong ay gagawin kasabay ng Asian Tennis Federation (ATF) meeting at inaasahang dadalo rin ang Myanmar.
“Ang Myanmar ay nagho-host ng mga ITF tournaments sa kanilang bansa kaya’t sanay na sila na magdaos ng tennis sa kanilang bansa at mayroon silang pasilidad,†wika ni Kraut na isa sa National team coach at non-playing team captain ng Philippine Davis Cup.
Suportado ng bansa ang gagawing apela dahil bagama’t malalakas ang netters ng Indonesia at Thailand, hindi naman pahuhuli ang Pilipinas sa talento at husay ng Pambansang manlalaro.
Hindi bababa sa tatlo ang gintong puwedeng mapanalunan ng bansa na kung maisasakatuparan ay makakatulong sa hanap na tagumpay ng maliit na de-legasyon na balak isali ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC).
“Defending champion tayo sa mixed doubles sa katauhan nina Treat Huey at Denise Dy habang malalakas din ang ating men’s singles at doubles. Palaban na rin tayo sa women’s dahil sa pagla-laro ni Fil-German Katharina Lehnert. Kaya malaki ang pakinabang din natin kung mababalik ang tennis,†pahabol ni Kraut.
Habang wala pang desisyon, ang focus ng Phi-lippine Tennis Association (Philta) ay ang gaganaping second round ng Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup tie sa Plantation Bay and Resorts sa Lapu Lapu, Cebu.
Haharapin ng bansa ang Thailand at ang mananalo rito ang aabante sa finals sa Setyembre laban sa mananalo sa pagitan ng New Zealand at Pakistan.