MANILA, Philippines - Sabik ang lahat sa pagbubukas ng ikatlong race track ng bansa sa gabing ito.
Ang Metro Manila Turf Club (MMTC) ay magsisimula na ng pagdaraos ng karera sa gabing ito hanggang sa Linggo at malaki ang ekspektas-yon na makakatulong ang bagong racing club sa pagpapalakas ng karera sa taong ito.
Inaasahang magiging maayos din ang unang gabi sa bagong track na matatagpuan sa Malvar, Batangas dahil tumulong sa paghahanda ang dalawang datihang racing clubs na Manila Jockey Club Inc. at Philippine Racing Club Inc.
Nagpasalamat naman ang mga taong nasa likod ng racing track sa pangunguna ni Dr. Norberto Quisumbing Jr. sa mga sumuporta at tumulong upang lumarga na ang karera sa kanilang bakuran.
“Malaki ang aming pasasalamat sa lahat ng mga tumulong dahil kailangan namin na mailagay agad sa tama ang aming pasilidad mula sa betting hanggang sa ra-cing facilities,†wika ni Quisumbing.
Hindi naman mala-yong maging pangunahing racing club ang MMTC tulad ng naunang dalawang karerahan dahil si Quisumbing ay hina-hangaan kung pagnene-gosyo ang pag-uusapan.
Isang Cebuano, si Quisumbing ang utak sa pagkakatatag ng Norkis Trading Co. Inc. na nga-yon ay kilala rin bilang Norkis Group of Companies. Nakatulong ito sa pagbibigay ng trabaho sa mga kababayan mula pa noong 1962.
Wala ring magiging problema kung ang off-track betting ang pag-uusapan dahil bukod sa sariling makina, ipinahihiram din ng MJCI at PRCI ang kanilang mga aparato habang isinasagawa ang isang linggong pista.
May plano rin na maglagay ng karera channel sa cable network na Cygnal para mas lumaki ang sakop sa horse racing na napapanood na sa Sky at Destiny cable.
Bilang pasasalamat sa mga susuporta na manonood ng karera hanggang linggo, magkakaroon ng isang mapalad na mananaya na makapag-uwi ng isang bagong motorsiklo na ipara-raffle sa bawat araw ng pista.
Sa Linggo, tiyak na mapupuno ang racing club dahil sa paglarga ng dalawang stakes races na Prieto Cup ng Philracom at ang 10 karera na gugunita sa Araw ng Mandaluyong. (AT)