SMBeermen yuko sa Dragons

MANILA, Philippines - Nagbunga ang pagkuha ng mga bagong hugot ng Westports Malaysia Dragons nang talunin nila ang dumayong San Miguel Beermen, 82-76, sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) kahapon sa MABA Gym sa Malaysia.

Si Sammy Monroe, na kinuha para pansamantalang palitan ang injured na si Cedric Bozeman, ay kumawala ng 32 puntos, habang ang Gilas Cadet pool member na si Justin Melton ay naghatid ng 18.

Ang dalawa ay nagtambal din sa 9-of-14 shooting sa three-point line na nakatulong para makahulagpos sa malakas na hamon ng Beermen at tapusin ang apat na sunod na kabiguan tungo sa 3-4 baraha.

 

Show comments