BOSTON – Sinabi ni Chicago Bulls point guard Derrick Rose na malaki na ang kanyang progreso sa kanyang rehab mula sa operasyon sa tuhod ngunit may mali pa rin sa kanyang kaliwang tuhod.
Sa pakikipagpanayam sa mga reporters noong Miyerkules matapos ang 71-69 pagkatalo ng Bulls sa Boston, sinabi ni Rose na hindi siya nagmamadaling bumalik sa laro.
“If it’s where it’s taking me a long time and I’m still not feeling right, I wouldn’t mind missing this year,’’ aniya. “I would love to play this year. I would love to. That’s why I approach my rehab and my workout so hard. I’m trying to get back out there on the court as quickly as possible. But if I have anything later on there’s no point.’’
Napunit ni Rose ang kanyang anterior cruciate ligament sa kaliwang tuhod sa playoff-opening win kontra sa Philadelphia at ang top-seeded Bulls ay nagtapos na bigo sa 76ers sa first round. Hindi pa siya nakakalaro ngayong season, ngunit nagpa-practice at sumasama na siya sa biyahe ng team.
Sinabi ni Rose na hindi siya maglalaro hangga’t hindi siya siguradung-sigurado at idinagdag niyang malayo pa siyang makapaglaro.
“My leg still isn’t feeling right,’’ sabi ni Rose. “I know if I could dunk off stride, I know I’d be out there playing. But I can’t.’’
Sinabi rin ni Rose na hindi siya minamadaling magbalik aksiyon ng kanyang koponan.