May nakaabang na agad para hamunin si Donaire
MANILA, Philippines - Sakaling manalo si unified world super bantamweight champion Nonito Donaire, Jr. kay Cuban titlist Guillermo Rigondeaux para sa kanilang unification fight sa Abril 13, may gusto nang humamon sa ‘The Filipino Flash’.
Sa panayam ng BoxingScene.com kahapon, sinabi ni dating two-division champion Juan Manuel Lopez na gusto niyang maitakda ang laban niya kay Donaire.
“I feel this is Nonito’s time and that he will win a dominating decision. I would be willing to fight him at 128 pound afterwards,†sabi ng Puerti Rican boxer (32-2-0, 29 KOs) kay Donaire. “If Rigondeaux wins I would like to fight him but it would be more difficult to make.â€
Itataya ni Donaire (31-1-0, 20 KOs) ang kanyang mga suot na World Boxing Organization at International Boxing Federation titles, habang isusugal naman ni Rigondeaux (11-0, 8 KOs) ang kanyang hawak na World Boxing Association belt.
Wala pang pormal na pahayag si Bob Arum ng Top Rank Promotions kung saan gagawin ang nasabing Donaire-Rigondeaux unification fight.
Ilan sa mga lugar na nasa listahan ng Top Rank ay ang Radio City Music Hall sa New York, ang Home Depot Center sa Carson, California at ilang venue sa Texas kagaya ng Cowboys Stadium at Alamadome.
Sa Home Depot inagawan ni Donaire ng IBF super bantamweight belt si South African Jeffrey Mathebula (26-4-2, 14 KOs) via unanimous decision noong Hulyo 17 at pinigil sa ninth-round si Japanese superstar Toshiaki Nishioka (39-5-3, 24 KOs) noong Oktubre 13.
Napanood din si Donaire sa The Theater sa Madison Square Garden sa New York nang talunin niya si Omar Narvaez (38-1-2, 20 KOs) sa kanilang bantamweight title fight noong Oktubre ng 2011.
- Latest