San Antonio No. 1 pa rin sa NBA Power Rankings

Walang Tim Duncan, walang Manu Ginobili, walang Tony Parker, walang Stephen Jackson at walang coach Gregg Popovich. Ito ang naging problema ng San Antonio Spurs nitong nakaraan.

Ngunit ang Spurs na bagama’t di alam kung kailan maaasahan ang mga pangalang nabanggit ay nanatili pa rin sa tuktok ng Yahoo! Sports’ NBA Power Rankings matapos maging unang team na nakaabot ng 40 wins ngayong season.

Nanalo rin ang San Antonio ng 13 sa kanilang hu-ling 14 games matapos ang mga laro nitong Lunes.

1. San Antonio Spurs (41-12, dating ranking: first): Nag-miss si Tim Duncan ng walo sa huling 9-games dahil sa injury sa tuhod. Kung hindi lalaro si Duncan sa All-Star Game sa Linggo, may mga papalit sa kanya.

2. Oklahoma City Thunder (39-12, dating ranking: second): Sa rematch ng 2012 NBA Finals, ang Thunder ang host sa Miami Heat nitong Huwebes. Nanalo ang Heat sa kanilang first meeting, 103-97 sa araw mismo  ng Pasko sa Miami.

3. Los Angeles Clippers (37-17, dating ranking: third): Bibisitahin ng Clippers ang Los Angeles Lakers nitong Huwebes.

4. Miami Heat (34-14, dating ranking: fourth): Napatunayan na ni Center Chris Andersen na hindi nagkamali ang Heat sa pagkuha sa kanya kaya pinapirma na siya kamakailan para sa kabuuan ng season. Nagawan niyang punan ang kakulangan sa size, rebounding at shot-blocking.

5. New York Knicks (32-17, dating ranking: fifth): Ayon sa source, pinag-iisipan ng Knicks kung hihintayin nila ang kanilang mga big man na may injury na sina Rasheed Wallace at Marcus Camby na  gumaling o kumuha na lang ng free agent.

6. Memphis Grizzlies (32-18, dating ranking: sixth): Ang Grizzlies  ay posibleng hindi pa tapos sa pagbalasa ng kanilang roster, ayon sa isang source. Bagama’t safe si Zach Randolph, open ang Memphis na gumamit ng exceptions na nagkakahalaga ng $7 million at $3 million para magdagdag ng players.

7. Denver Nuggets (33-19, dating ranking: eighth): Ang Nuggets ang tanging team na may top five record sa Western Conference na walang kinatawan sa All-Stars. Ang top five Eastern Conference teams ay may kinatawan sa All-Star.

8. Indiana Pacers (31-21, dating ranking: ninth): Baka makapag-debut na si forward Danny Granger (injury sa tuhod) nitong Miyerkules kontra sa Charlotte. Pinag-iisipan ni coach Frank Vogel kung gagawin niyang starter si Granger at All-Star Paul George.

9. Golden State Warriors (30-21, dating ranking: seventh): Ipagpapatuloy ng Golden State ang kanilang outside-the-box mentality sa pagsusuot ng short sleeve jerseys sa Feb. 22 kontra sa San Antonio.

10. Chicago Bulls (30-21, dating ranking: 10th): Isang source ang nagsabing posibleng hindi pa makalaro si point guard Derrick Rose bago mag-March 1,  pero maganda na ang kanyang kondisyon.

 

Show comments