2-sunod sa ACES Nalo sa Meralco
MANILA, Philippines - Inasikaso nina Robert Dozier at rookie Calvin Abueva ang opensa samantalang si Sonny Thoss ang nag-asikaso sa pagdepensa sa import ng kalaban, na naging malaking bagay sa 85-81 panalo ng Alaska kontra sa Meralco kagabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Nagtala ng 27 puntos bukod pa sa 14 rebounds at conference-high-tying six shotblocks si Dozier samantalang nagdagdag naman ng 20 puntos si Abueva at humatak ng walong rebounds para sa ikalawang sunod na panalo ng Aces na nagdala sa kanila sa ibabaw ng team standings kasama ng Barako Bull (2-0).
Makaraaang magsumite ng league confe-rence-high na 37 puntos sa unang panalo ng Meralco laban sa three-time Philippine Cup champion Talk ‘N Text noong Sabado, 99-92, nagtapos na may 15 puntos lamang si Bolts import Eric Dawson sa kanyang 5-of-16 shooting, dahil sa pagdepensa sa kanya ni Thoss.
“We had to put focus on Dawson. Credit goes to Sonny Thoss, he played great defense on him. Sonny got only two rebounds because he was the one boxing out Dawson,†pahayag ni Alaska head coach Luigi Trillo pagkatapos ng panalo.
Ang 18 puntos off the bench ni rookie Vic Ma-nuel ang nagbida para sa Meralco.
- Latest