May ilang players na nanatili sa NBA kahit lagpas na sa edad na 40, may ilang umabot pa sa higit 45-gulang.
Sa katunayan, sinasabing may isang player lang na lumaro ng lagpas sa edad na 44 na si Nat Hickey na lumaro ng isang game noong 1948 at nagmintis ng lahat ng kanyang anim na tira para sa Providence Steamrollers.
Ang mga pinakamatandang player sa modern era ay sina Kevin Willis (44 noong 2007) at Robert Parish (43 noong 1997).
Ngunit may isang active player ngayon na nagsasabing puwedeng higitan ang mga ito ni Michael Jordan. Ang kinilalang ‘His Airness’ na magiging 50 na sa Linggo ay huling nagsuot ng NBA uniform 10 taon na ang nakakaraan.
Kung lalaro si Jordan ngayong linggo, ano kaya ang kanyang maipapakita?
Sa tingin ni Lakers forward Antawn Jamison, maaaring masorpresa ni Jordan ang maraming tao.
“I wouldn’t doubt that in the right situation with a LeBron (James) on his team or with a Kobe (Bryant) on this team, he could get you about 10 or 11 points, come in and play 15-20 minutes,†sabi ni Jamison sa ESPN LA. “I wouldn’t doubt that at all, especially if he was in shape and injuries were prevented and things of that nature.â€
Aktibo pa rin si Jordan bilang owner ng Bobcats at sumasama rin siya sa practice. Sa kanyang Hall of Fame induction speech noong 2009, nabanggit ni Jordan ang paglalaro sa edad na 50 at kahit nagtawanan ang mga audience, hindi siya nagbibiro.
“One day you might look up and see me playing the game at 50,†ani Jordan. “Oh, don’t laugh. Never say never. Because limits, like fears, are often just an illusion.â€
Puwede pa kayang lumaro si Jordan off the bench bilang contributor sa edad na 50? Malamang hindi na pero marami nang kakaibang nangyayari ngayon.