MANILA, Philippines - Sa tingin ni Philippine Sports Commission chairman Ritchie Garcia, hanggang 7th place lang ang kayang gawin ng Pinas sa 27th Southeast Asian Games matapos ang ginawang pagbabawas at pagdadagdag ng events ng host country na Myanmar.
Hindi itinatago ng PSC chief ang kanyang pagkadismaya sa ginawa ng Myanmar na sinisigurong maganda ang kanilang pagtatapos sa beinnial event na gaganapin sa Dec. 11 hanggang 22.
“I think we will definitely finish seventh and I hope not eighth,†sabi ni Garcia na hindi nagustuhan ang pagpasok ng Myanmar ng tinatayang 60 events na mula sa sport na hindi kilala ng ibang bansa.
Kaya sa tingin ni Garcia, malamang na mas mababa pa sa sixth overall ang kayang tapusin ng Pinas at di malayong mahigitan pa ng Myanmar.
Hindi rin nagustuhan ni Garcia ang desisyon ng Myanmar na tanggalin ang mga Olympic events tulad ng badminton, lawn tennis at beach volleyball na pinalitan ng mga di kilalang martial arts events gaya ng vovinam at kempo.
Ayon kay Garcia, wala namang masama kung maglalagay ng mga traditional o indigenous sports na paglalabanan ngunit hindi dapat ganoon karami na may malaking impact sa overall standings.
Dahil dito, iminungkahi ni Garcia na magpadala na lamang ang Pinas ng 'token delegation.'
Sa 36 sports events na nanalo ang mga Pinoy athletes noong 2011, 16 dito ay tinanggal sa mga pagla-labanan sa Myanmar.
“Hindi puwede ito. We have to amend the rules and regulations. We should insist that Olympic sports should be included, and the others as demonstration sports that won’t reflect on the medal tally. They can put as many medals in vovinam as long as it will not reflect in the medal tally,†ani Garcia.