TORONTO -- Umiskor si LeBron James ng 30 points, habang may 28 si Chris Bosh kontra sa dati niyang koponan at tinalo ng Miami Heat ang Toronto Raptors, 100-85, noong Linggo ng gabi.
Ito ang pang-10 sunod na pagdomina ng Heat sa Raptors.
Ang nasabing panalo ang tumiyak sa Miami ng top spot sa Eastern Conference sa itaas ng New York Knicks upang si Heat coach Erik Spoelstra ang gagaÂbay sa East team sa All-Stars sa Houston.
Nagdagdag naman si Dwyane Wade ng 23 points para sa pagbangon ng Heat mula sa 89-102 kabiguan sa Pacers sa Indianapolis noong Biyernes.
Nadismaya si James noong Miyerkules dahil hindi niya mapapanood ang Super Bowl habang pabalik sa Florida matapos ang laro. Ang private plane ng Heat ay walang satellite TV o wireless Internet.
Para pagbigyan si James, ipinagpaliban ng Heat ang kanilang pag-uwi para labanan ang Charlotte sa Lunes pagkatapos ng Super Bowl na plano niyang paÂnoorin sa Air Canada Centre.
Sa Boston, tinalo ng Celtics ang Los Angeles ClipÂpers, 106-104, para sa kanilang 4-0 record sapul nang magkaroon si Rajon Rondo ng knee injury na tumaÂpos sa season ng star point guard.
Tumapos si Paul Pierce, tumipa ng isang three-point shot sa natitirang 2.5 segundo ng laro, na may 22 points para sa Boston.