Myanmar SEAG, football pag-uusapan sa PSA Forum

MANILA, Philippines - Itatampok sa PSA Forum ang prog-rama sa 13-and-under football pati na ang darating na kampanya ng Pilipinas sa Myanmar Southeast Asian Games.

Dadalo sa public sports program sa Shakey’s Malate ngayong alas-10:30 ng umaga sina Philippine SEA Games Chef De Mission Jeff Tamayo at Marikina City Mayor Del De Guzman.

Si Tamayo ang maglalahad ng mga nangyari sa nakaraang pulong ng SEA Games Federation Council na dinaluhan ng mga Philippine Olympic Committee officials noong nakaraang linggo sa Myanmar.

Tatalakayin naman ni Mayor De Guzman ang pagiging tahanan ng Marikina ng Little Azkals pati na ang programa at events na gagawin ng National Capital Region Football Association.

Inaanyayahan ni PSA president Rey Bancod ng Tempo ang lahat ng miyembro na dumalo sa sesyon.

 

 

Show comments