MANILA, Philippines - Matapos maglaro sa tatlong PBA teams sa kanyang pitong conferences, nakita na ni Rabeh Al-Hussaini ang kanyang tunay na tahanan sa Talk ‘N’ Text.
Noong Sabado ng hapon, muling nagkasama ang Ateneo center at si dating Blue Eagles coach Norman Black kung saan siya tinanggap ng mga Tropang Texters sa kanyang unang ensayo sa Moro Lorenzo Center sa Loyola Heights.
Ang 24-anyos na si Al-Hussaini ang first round pick at second overall ng Air21 noong 2010 PBA draft.
Hinirang siyang Roo-kie of the Year sa Air21 bago dinala sa Petron Blaze Boosters bago napunta sa Powerade at sa Globalport.
Sa nakaraang Philippine Cup, nagtala ang 6-foot-7 center ng back-to-back na 20-point performance at nagposte ng mga averages na 8.2 points at 4.2 rebounds sa 13 laro.
Sa offseason, dinala si Al-Hussaini ng Globalport sa Talk ‘N’ Text kapalit ng signing rights ng restricted free agent na si Japeth Aguilar.
Ang Tropang Texter na unang nakasama ni Al-Hussaini ay si guard Jayson Castro, tinanghal na Best Player of the Conference sa Philippine Cup.
Si Al-Hussaini ay isang junior high school player nang si Castro ay sophomore sa senior varsity ng Philippine Christian University sa NCAA.
“Rabeh talked to Jimmy (Alapag) who’s our leader and we also talked because we’ve known each other since our PCU days,†sabi ni Castro. “He told me he’s ready to go all out, for me not to believe all the talk about his attitude. I think he can play with our import (Keith Benson). five.â€