Local riders makakatapat ang mga foreign cyclists sa 2014

BAGUIO CITY, Philippines  -- Inihahanda na ng mga local riders na pinamumunuan ni LPGMA-American Vinyl pride Irish Valenzuela ang pagtapat nila sa mga fo­reign riders sa pagdara­os ng Ronda Pilipinas ng isang international event sa susunod na taon.

“Handa na akong ha­rapin sila, lahat kami,” sa­bi ni Valenzuela, isang araw matapos pagharian ang 2012 Ronda Pilipinas.

Handa ang 25-anyos na si Valenzuela sa ibang bansa para paghandaan ang paglahok ng mga fo­reign riders sa 2014.

Sa ilalim ni LPGMA Rep. Arnel Ty, isang scho­larship ang magagamit ni­ya kasama ang iba pang ri­ders mula sa Liquigaz Pool B na may koponan sa Tour de France, ang pi­nakamalaking cycling event.

Hindi pa kasama dito ang napanalunan niyang P1 milyon at magandang tropeo matapos pagharian ang 2012 Ronda.

Tinalo ni Valen­zu­e­la para sa korona sina Roadbike Philippines’ bet Ro­­nald Gorantes, PLDT-Spy­der star  Ronald Oranza at Navy-Standard rider San­ty Barnachea.

Ngayon pa lamang ay inihahanda na ng mga ko­­ponan sa Ronda ang ka­­nilang mga siklista bilang preparasyon sa inter­n­ational tournament sa 2014.

“Magsisimula na kami ng training sa lalong madaling panahon,” sabi ni LPGMA-American Vi­nyl coach Renato Dolo­sa,  isang two-time winner ng Marlboro Tour no­ong1992 at 1995.

Ang Roadbike Phl ang hinirang na overall team champion.

 

Show comments