Parker pinaglaruan ang Charlotte

SAN ANTONIO -- Nagbalik si coach Gregg Popovich mula sa kanyang pagkawala ng tatlong games dahil sa sakit at ninamnam ang panalo ng San Antonio Spurs.

Umiskor si Tony Parker ng 22 points at dinomina ng San Antonio ang Charlotte Bobcats, 102-78, para sa kanilang nine-game winning streak.

Nilaro lamang ng Western Conference Player of the Week na si Parker ang depensa ng Charlotte sa backcourt matapos magtala ng game-high 7 assists.

“He did it again,’’ sabi ni Popovich kay Parker. “He put it upon himself and he comes up with two big baskets down the stretch. He’s really been special.’’

Nagdagdag naman si Kawhi Leonard ng 18 points, habang may 17 si Danny Green at 15 si Tiago Splitter para sa Spurs na itinala ang kanilang pang-17 sunod na panalo sa San Antonio.

Umiskor naman si Ramon Sessions mula sa bench ng team-high 22 points para sa Charlotte kasunod ang 16 ni Kemba Walker at 11 ni Ben Gordon.

Hindi nakalaro para sa Spurs ang mga may injury na sina Tim Duncan at DeJuan Blair ngunit dinomina pa rin nila ang Bobcats sa shaded lane, 48-24.

Kinuha ng San Antonio ang 11-4 kalamangan sa first period bago nakalapit ang Charlotte sa 23-25.

 

Show comments