Marquez pumayag na sa laban nila ni Manny

MANILA, Philippines - Kumpirmado nang lalabanan ni Mexican Juan Manuel Marquez si Filipiino world eight-division champion Manny Pacquiao sa Setyembre.

Pumayag na ang asawa ni Marquez na si Erika na ipagpatuloy ang kanyang makulay na boxing career na lalo pang tu-mingkad nang mapabagsak niya si Pacquiao sa sixth round sa kanilang pang-apat na pagtatapat noong Dis-yembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“Juan Manuel Marquez already confirmed to me that he plans to conitinue (his career) in boxing and told me it is necessary to review offers, to see the plans, to begin the next steps the following big fight from last December,” ani Fernando Beltran ng Zanfer Promotions sa panayam ng BoxingScene.com kahapon.

Pumayag na rin ang 39-anyos na si Marquez (55-6-1, 40 KOs) na gawin ang kanilang pang-limang salpukan ng 34-anyos na si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) sa labas ng United States.

Ang ilan sa mga pinagpipiliang lugar para sa Pacquiao-Marquez V ay ang Macau, Dubai at Singapore.

“The two fighters do not want to pay so many taxes, and yes there is a possibility that it will happen in Macau, which is something that Bob (Arum) likes” sabi ni Beltran kaugnay sa Pacquiao-Marquez V sa Setyembre.

Idinagdag pa ni Beltran na magtatakda si Arum ng laban sa Macau sa Abril kung saan nila maaaring malaman ang sitwasyon ng mga boxing events.

“Arum will do a show in Macau in April and he will see what we can do there and what kind of purses we can get for the fighters and other aspects,” ani Beltran. “But there is also the new arena in Mexico City.”

 

Show comments