MANILA, Philippines - Ibinalik ng host Myanmar ang mga larong badminton at table tennis bukod ang event na water polo sa aquatics matapos ang pagpupulong ng Southeast Asian Games Federation Council meeting na ginawa sa Nay Pyi Daw noong Lunes at Martes.
Lahat ng 11 bansa ay may kinatawan sa pagpupulong at nagkaisa ang lahat na alisin na ang mga Olympic sports na bowling, gymnastics at lawn tennis.
Nasa 33 na ang pinal na bilang ng mga sports na lalaruin sa 27th SEA Games na itinakda mula Dis-yembre 11 hanggang 22.
Ibinalik ang larong hockey habang ang mga traditio-nal sports na vovinam, kempo, petanque ay kasama rin.
Ang larong popular sa Myanmar na chinlone ay isinama bilang event sa sepak takraw habang ang Tarung Derajat na isang Indonesian martial artis sport ay tinanggal at pinalitan ng floorball bilang demo sport dahil kasama ito sa 28th SEA Games na gagawin sa Singapore sa 2015.
Ang iba pang events na pasok na ay athletics, aqua-tics, archery, billiard and snooker, boxing, basketball, canoeing, cycling, chess, equestrian, football, golf, judo, karate-do, rowing, sepak takraw, shooting, sailing, taek-wondo, volleyball, weightlifting, wrestling, wushu, body building, traditional boat race at muay.
Lalaruin din ang futsal bilang event sa football na inilagay pa rin sa U-23.
Ang sinang-ayunang events ay mas mababa ng 11 kumpara sa 44 sports na idinaos noong 2011 sa Indonesia kung saan nagtala ng pinakamasang pagtatapos ang Pilipinas sa kasaysayan ng SEAG na pang-anim bitbit ang 36-56-77. gold-silver-bronze.