Rondo hindi na makakalaro sa kabuuan ng season

BOSTON -- Hindi na makakalaro si Boston Cel­tics star point guard Rajon Rondo sa kabuuan ng season dahil sa isang torn anterior cruciate ligament sa kanyang kanang tuhod.

Natanggap ng Boston ang naturang balita sa ka­nilangs 100-98 double-overtime win kontra sa Miami Heat noong Linggo kung saan nagbalik si Ray Allen.

Sa nakaraang limang seasons, sina Pierce, Allen at Ke­vin Garnett ang bumuo sa ‘Big Three’ ng Celtics.

Matapos lumipat si Allen sa Heat bilang isang free agent sa offseason, sumama naman si Rondo kina Pierce at Garnett.

Napili si Rondo bilang starting point guard para sa Eas­tern Conference sa darating na All-Star game sa Houston sa Pebrero 17.

Show comments