Wesley tinalo si Gundavaa para masolo ang liderato sa Asian Zonals

Tagaytay City, Philippines --- Tinalo ni Grand­mas­ter (GM) Wesley So (Elo 2682) si IM Bayarsaikhan Gundavaa ng Mongolia (Elo 2522) sa fifth round para solohin ang pamumuno sa Asian Zone 3.3 Chess Championships dito sa Tagaytay In­ternational Convention Center.

Ipinoste ng tubong Bacoor, Cavite ang 4.5 points matapos ang limang rounds sa Nine Round Swiss-system event  kung saan nakataya ang dalawang tiket para sa 2013 World Cup sa Tromso, Norway.

Nagtabla ang laro nina No. 2 GM Ngu­yen Ngoc Truong Son ng Vietnam (Elo 2631) at GM Darwin Laylo (2491).

Si Ngoc Truong Son, kumuha ng li­mang gold medals sa 2005 Manila South­east Asian Games, ay nasa losing po­sition subalit nagawang makipag-draw sa Marikina ace na si Laylo patu­ngo sa kanyang 4.0 points para sa solo se­cond place.

Magkasalo sa third hanggang eighth places na may tig 3.5 points sina defen­ding champion GM Susanto Megaran­to ng Indonesia, FM Gombosuren Mu­nkhgal ng Mongolia, Laylo, 12-time na­tional open champion GM Rogelio An­tonio, Jr. at IM Nguyen Doc Hoa ng Vietnam.

Nauwi sa draw ang laban nina Me­garanto at Doc Hoa, habang binigo ni Munkhgal si GM Dao Thien Hai ng Vietnam at nakawala si Antonio sa ka­babayang si FM Haridas Pascua.

Nanalo si GM Mark Paragua kay GM Eugene Torre at hiniya ni GM John Paul Gomez si FM Rudin Hamdani ng Indonesia.

 

Show comments