Golden Boy nagbigay ng kontrata sa Top Rank para sa Donaire-Mares fight
MANILA, Philippines - Para ipakita na determinado silang maitakda ang suntukan nina unified world super bantamweight champion NoniÂto ‘The Filipino Flash’ DoÂnaire, Jr. at Mexican titlist Abner Mares, nagpadala ang Golden Boy Promotions ng kontratang nagÂkaÂkahalaga ng $3 milyon sa Top Rank Promotions.
Ang naturang kontrata ay idiniretso ng Golden Boy ni Oscar Dela Hoya kay Top Rank legal counsel David Moroso.
Kamakailan ay sinabi ni Golden Boy Chief ExeÂcutive Officer RiÂchard Schaefer na gusto niÂlang maiÂtakda ang DoÂnaire-MaÂres unification chamÂpionÂship fight ngaÂyong taÂon.
Gusto din ni Arum na ang Top Rank ang mag-promote ng nasabing Donaire-Mares bout nguÂnit hindi kasama ang Golden Boy.
Si Donaire (31-1-0, 20 KOs), ang World Boxing Organization at InternatioÂnal Boxing Federation super bantamweight king, ay nasa kampo ng Top Rank, habang si Mares (25-0-1, 13 KOs), ang suÂper bantamweight titlist ng World Boxing Council, ay nasa bakuran ng GolÂden Boy.
Magbibigay ang GolÂden Boy ng $3 milyon kay Arum para mahiram si Donaire at ilaban kay Mares.
“I am willing to offer them $3 million dollars. I will pay Top Rank $3 million dollars and I don’t know what kind of deal they have with Donaire ... proÂbably 50-50,†sabi ni Schaefer sa naunang paÂÂnaÂyam sa kanya ng BoÂxingScene.com. “So Arum can pay Donaire $1.5 million and he can take $1.5 million, but I don’t care how they split up the $3 million.â€
Dahil sa kanyang apat na sunod na panalo noÂong 2012, hinirang ang 30-anyos na si Donaire ng ESPN.com at RingTV.com bilang 2012 Fighter of the Year.
Ang mga tinalo ni DoÂnaire noong nakaraang taÂon ay sina Wilfredo VazÂquez, Jr. ng Puerto RiÂco, Jeffrey Mathebula ng South Africa, Toshiaki NiÂshioka ng Japan at Jorge Arce ng Mexico.
Nasa promotions din ng Top Rank si Guillermo Rigondeaux ng Cuba (11-0, 8 KOs), isang two-time Olympic Games gold meÂdalist para sa Cuba at ang kasalukuyang WBA super bantamweight ruler, na maÂaaÂring isalang ni Arum kay Donaire sakaling maÂbigo siyang makuha si MaÂres.
- Latest