Nanatili ang Oklahoma City Thunder sa tuktok ng Yahoo! Sports weekly NBA Power Rankings sa ikalawang sunod na linggo matapos ang mga laro noong Lunes at matagumpay nilang naprotektahan ang kanilang katayuan nang talunin ang LA Clippers na kanilang dinayo nitong Martes ng gabi para sa 109-97 panalo.
Ang Clippers ang namayagpag ng tatlong linggo sa No. 1 ranking bago ito naagaw ng Thunder.
1. Oklahoma City Thunder (33-9, dating ranking: first): Nag-a-average si Thunder guard Russell Westbrook ng 33.8 points sa kanyang apat na laro noong nakaraang linggo.
2. Los Angeles Clippers (32-10, dating ranking: se-cond): Hindi nakalaro si Chris Paul sa ikalawang sunod na game nitong Martes dahil sa injury sa tuhod matapos magtala ng season-low na 4-points mula sa 1-of-7 shooting sa pagkatalo kontra sa Golden State noong Lunes.
3. San Antonio Spurs (33-11, dating ranking: third): Mainit ang Spurs na nanalo ng anim sa huling 7-laro kabilang ang limang sunod na tagumpay. Dalawa dapat ang Western Conference All-Star reserves ng San Antonio na sina forward Tim Duncan at guard Tony Parker.
4. Miami Heat (26-12, dating ranking: fourth): Kung magiging malusog at bumalik sa dating porma, mapupunan ng Heat ang pagkadehado sa size sa pagpasok ni 6-foot-11 forward-center Chris Andersen na kilalang mahusay sa shot-blocking at rebounding.
5. Memphis Grizzlies (26-14, dating ranking: fifth): Makakahinga na ng maluwag sina Rudy Gay, Zach Randolph at iba pang miyembro ng Grizzlies matapos maki-pag-trade ang management sa Cleveland para makaluwag ng $6 million para makaiwas sa luxury tax.
6. New York Knicks (25-14, dating ranking: sixth): Ang rivalry sa pagitan ng Knicks at Boston Celtics ay magbabalik sa Huwebes sa Boston. Magkakainitan ba uli sina Carmelo Anthony at Kevin Garnett?
7. Golden State Warriors (25-15, dating ranking: se-venth): Bumangon ang Warriors matapos matalo ng lima sa huling anim na laro sa pamamagitan ng panalo kontra sa New Orleans at Clippers.
8. Indiana Pacers (26-16, dating ranking: eighth): Dapat ninyong subaybayan ang Pacers na ngayon ay 8-3 na nitong January kung saan kabilang sa kanilang tinalo ang Miami, New York at Memphis. Gayunpaman, hindi na nalalayo sa Pacers sa Central Division ang Derrick Rose-less Chicago.
9. Brooklyn Nets (25-16, dating ranking: 10th): Ang Nets ang NBA best team ng 2013 sa kanilang 9-1 January record. Nagpapalakas si center Brook Lopez para sa All-Star matapos mag-average ng 7.3 rebounds at 19.4 points sa 53.3 percent shooting nitong January.
10. Denver Nuggets (25-18, dating ranking: ninth): La-labas pa ba ang tunay na Denver Nuggets? Natalo ang Denver sa mahinang Washington noong Biyernes pero nanalo sa malakas na Oklahoma City noong Linggo.