Asian Zone 3.3 Chess Championships So babanderahan ang PH Team

MANILA, Philippines - Tiyak na matutuwa ang local fans sa paglahok ni Super GM Wesley So sa Asian Zone 3.3 Chess Championships sa Enero 22 hanggang 30 sa Tagaytay International Convention Center.

Makakasama ni So na magbibigay ng magandang laban sa mga Filipino ay sina GM Mark Paragua na sariwa pa sa kampeonato sa Philippine Sports Commission (PSC) Cup International Chess Championships, 12-time National open champion GM Rogelio ‘Joey’ Antonio Jr., GM Richard Bitoon, GM Eugene Torre at GM Darwin Laylo.

“The city will make sure that all participants, especially the foreigners, will enjoy their stay here (Tagaytay),” sabi ni Mayor Abraham ‘Bambol’ Tolentino Jr., secretary general ng National Chess Federation of the Philippines na nakatanggap ng papuri sa foreign de-legations matapos ang matagumpay na pag-oorganisa sa 2011 edition na pinagharian ni Indonesian Grandmaster Susanto Megaranto.

 Bukod sa cash prizes, ang mga kalahok ay nakatutok din sa dalawang slots sa World Chess Cup 2013 sa Tromso, Norway mula Agosto 10-Setyembre 5.

Show comments