Informatics nakatikim sa wakas ng panalo
MANILA, Philippines - Pagtiyak na maglalaro pa rin ang bagitong Informatics Icons sa PBA D-League second conference ang nakatulong para maipakita ng batang koponan na karapat-dapat sila sa liga.
Si Moncrief Rogado ay may 26 puntos para pamunuan ang apat na Icons na nagtala ng doble-pigura upang wakasan ang walong dikit na pagkatalo nang iuwi ang 94-87 panalo laban sa Big Chill na nilaro sa JCSGO Gym sa Quezon City.
“On Monday, the top management committed its full support to the team and assured that we will be joining next conference. That added inspiration to the players,†ani Reyes.
Naiwan ng hanggang 21 puntos ang Super Chargers at ito ang nagpahirap sa kanila kahit nagawang bumalik sa laro para malag-lag sa ikatlong pagkatalo matapos ang walong laro.
Bunga nito ay lumabo pa ang paghahabol ni coach Robert Sison sa mahalagang awtomatikong semis seat na ibibigay sa papangalawang koponan.
Sinandalan naman ng Boracay Rum ang dalawang free throws ni Roider Cabrera para kunin ang 62-58 panalo laban sa Café France at manati-ling palaban sa puwesto sa quarterfinals. Tinapos ni Cabrera ang sagupaan bitbit ang 15 puntos, kasama ang tatlong tres. Ikatlong dikit na pagkatalo ang nalasap ng Bakers.
- Latest