^

PM Sports

ABAP nAgtakda ng 2 torneo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magdaraos ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) ng dalawang malaking torneo ngayong taon patungo sa pagdaraos ng Asian Youth tournament sa Marso sa Subic Bay Freeport Zone gym.

Gagawin ang PLDT-ABAP National Capital Region-Luzon Area tournament sa Enero 22-26 sa Capitol Grounds sa Iba, Zambales sa pakikipagtulu-ngan sa provincial government sa pamumuno ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr.

Inaasahang makikipaglaban para sa puwesto sa PLDT-ABAP National Championships sa Pebrero ang 70 hanggang 80 boxers na magmumula sa 15 boxing clubs at boxing associations.

Ang National championships ay gagawin sa Maasin, Southern Leyte sa Pebrero 17-23 kung saan pipili ang ABAP ng mga boksingerong isasama sa ating National team.

Ang mga best performers ng iba pang regional tournaments na idinaos sa Bago City (Visayas) at General Santos City (Mindanao) ang makikipaglaban sa mga qualifiers mula sa torneo sa Zambales.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANG NATIONAL

ASIAN YOUTH

BAGO CITY

CAPITOL GROUNDS

GENERAL SANTOS CITY

HERMOGENES EBDANE JR.

NATIONAL CAPITAL REGION-LUZON AREA

NATIONAL CHAMPIONSHIPS

PEBRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with