MANILA, Philippines - Aasinta ng mahalagang panalo ang Big Chill at Café France sa pagharap sa magkahiwalay na kalaban sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Quezon City.
Unang mapapalaban ang Bakers kontra sa Boracay Rum sa ganap na alas-2 ng hapon bago sumunod ang Super Chargers laban sa Informatics dakong alas-4.
Nakataya sa Café France ang ikalimang panalo sa siyam na laro na magpapalakas sa puwesto sa quarterfinals bukod sa pagpapanatili sa hanap na awtomatikong puwesto sa semifinals.
Sa kabilang banda, ang Waves ay mayroong 3-5 baraha at kailangan nilang manalo para hindi pa mapatalsik sa laban.
May tatlong dikit na panalo ang tropa ni coach Lawrence Chongson na kanilang sasandalan habang wakasan ang dala-wang dikit na pagkatalo ang asam naman ng tropa ni coach Edgar Macaraya.
Ikaanim na panalo na magdidikit sa pahingang Blackwater Sports ang hanap ng tropa ni coach Robert Sison sa laro nila laban sa Icons na hindi pa nananalo matapos ang walong laro.
Kasalo ng pumanga-lawa noong nakaraang conference na Big Chill ang Cagayan Valley Ri-sing Suns sa ikatlong puwesto bitbit ang 5-3 karta at kapos ng isa’t kalaha-ting panalo sa Elite (6-2) na nagsosolo sa mahalagang ikalawang puwesto.
Must-win ang Super Chargers dahil isang kabi-guan ang magreresulta ng paglabo sa hanap na awtomatikong puwesto sa Final Four.
Out na ang Informa-tics pero hindi ito ma-ngangahulugan na lalamya na ang kanilang ipakikita dahil hindi papayag ang koponan na magwakas ang conference na hindi makakatikim ng panalo.
“We must show the right attitude against the Icons. Mahirap kalaban ang team na walang pressure kaya’t dapat ay focus kami sa opensa at depensa,†wika ni Sison.