MANILA, Philippines - Bilang pagbibigay da-an sa pagho-host ng bansa sa Fiba-Asia championships, sususpindihin ng UAAP ang kanilang Season 76 basketball games habang idinaraos ang Asian qualifier simula sa Agosto 1 hanggang 11.
“There will be no UAAP basketball games on Aug. 1-11,†sabi ni board member Luisa Isip ng Adamson University na host ng susunod na season.
Ito ang naging desis-yon ng UAAP board bilang tugon sa request ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).
Nauna nang hiniling ni SBP president Manny V. Pangilinan sa collegiate leagues na wala munang laro kapag idinaraos ang FIBA-Asia upang mabigyan ng focus ang torneo na iho-host ng bansa sa unang pagkakataon matapos ang 40-taon.
Karamihan sa mga laro ay gagawin sa Mall of Asia Arena na pinagdarausan din ng ilang UAAP games.
Base sa regular na Thursday-Saturday-Sunday schedule ng UAAP na magsisimula sa July, tinatayang anim na laro ang tatamaan sa pagdaraos ng torneo na qualifier para sa Fiba World Cup.
Wala pang desisyon ang NCAA ukol sa kahi-lingan ng SBP.
Samantala, sa inaasahang blockbuster Ateneo versus La Salle women’s volleyball game nitong weekend, ililipat ang laban sa mas malaking venue sa MOA Arena na gagawin sa Feb. 9.