Barrios, Martelino panauhin sa PSA

MANILA, Philippines - Magkasamang panauhin sina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios at dating FIBA-Asia secretary ge-neral Moying Martelino sa PSA Forum  ngayon sa Shakey’s Malate.

Tatalakayin ng dalawang basketball officials na ito ang nalalapit na pagho-host ng Pinas sa FIBA-Asia Men’s Basketball Championships  na pormal na iginawad sa Pinas noong nakaraang linggo matapos alisin sa Lebanon bunga ng kaguluhan sa kalapit na bansa.

Darating din sina Darren Evangelista at Philippine Karatedo Federation secretary-general Raymond Lee Reyes sa alas-10:30 ng umagang sesyon na maririnig sa DZSR Sports Radio 918 at hatid ng Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at Shakey’s.

Tatalakayin ni Evangelista ang nalalapit na Sinclair Super League, habang ang  pagtatanghal naman ng Southeast Asian Karate Championships sa April ang tatalakayin ni Reyes bukod  sa iba pang aktibidad ng National team at ng karate association.

Hinihiling ni PSA president Rey Bancod ng Tempo sa lahat ng miyembro na dumalo sa sesyon.

 

Show comments