LOS ANGELES -- Dumating si Dwight Howard sa Staples Center na hindi umaasang makakalaro para ipahinga ang kanyang na-injury na balikat bagkus ay naging malaking tulong ito sa panalo ng Los Angeles Lakers para putulin ang kanilang pinakamahabang lo-sing streak sa loob ng anim na taon.
Ang maganda pa nito ay gumanda ang kanyang pakiramdam sa kanyang balikat.
Tumapos si Howard ng 22 points at 14 rebounds sa kanyang pagbabalik mula sa tatlong larong pagkawala para makabangon ang Lakers sa six-game losing streak sa pamamagitan ng 113-93 panalo kontra sa Cleveland Cavaliers nitong Linggo ng gabi.
“When we play like this, we win, and we win big,’’ sabi ni Howard. “We’ve just got to continue to learn from games like that, and hopefully we can just string together some wins.’’
Umiskor si Kobe Bryant ng 23 points para sa La-kers na nakatikim ng kanilang unang panalo sa taong 2013.
Nagtala si Howard ng 9-for-11 kahit may injury sa balikat upang pangunahan ang Los Angeles sa komportableng panalo kontra sa mahinang Cavaliers na tumalo sa Lakers noong nakaraang buwan.
Sinabi ni Steve Nash na ‘mandatory’ sa Lakers ang panalong ito.
Tumapos si Nash ng 10 points at nine assists para sa Lakers na sunud-sunod ang talo dahilan para mag-alala ang kanilang mga fans.
Tumapos sina Kyrie Irving at Dion Waiters ng tig-15 points para sa Cleveland na natalo ng pito sa kanilang 9-games.