Juggling Act maganda ang ipinakita sa Yabut III race
MANILA, Philippines - Magarang panimula ang naipakita ng imported horse Juggling Act nang pagÂharian ang 2013 PhilÂraÂcom Mayor Nemesio S. YaÂbut III na nagdagdag ng kinang sa pagtatapos ng pista sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si Jonathan Hernandez muli ang gumabay sa kabayong pag-aari ni HerÂÂminio Esguerra at naiÂpaÂÂkitang muli ng Juggling Act ang kinatatakutang tuÂÂlin nito upang lumabas na kampeon sa hanay ng piÂÂtong naglaban.
Tila naapektuhan ang premÂyadong kabayo na anak ng Causeway at PiÂcadilly Circus sa ipinataw na pinakamabigat na hanÂdicap weight na 57 kiÂlos matapos malagay sa ikaanim na puwesto sa aliÂsan.
Ang Azkals, Crucis at Lord Of War ang siyang nagdidikta ng tulin ng karera pero nagpapaÂhinga lamang pala ang piÂnaborang kabayo sa karerang pinaglabanan sa 1,600-metro distansya.
Hindi na napigil ang Juggling Act para maÂnalo pa ng halos dalawang dipa sa Azkal bago suÂnod na tumawid ang CruÂcis (JB Guce) at Indy Hay (FM Raquel Jr).
Nakakubra ng premÂyong P300,000.00 ang JugÂgling Act mula sa P500,000.00 na kabuuang premyo na pinaglabanan, haÂbang ang winning breeÂder ay nagkamal ng P15,000.00.
Ito rin ang ikatlong diretsong panalo ni Hernandez sa mga stakes races na pinaglabanan na. Naunang naipanalo ng class A rider ang Be Humble at Cat’s Silver sa mga Yabut Stakes races noong Enero 6 sa kabilang karerahan.
Ang Botbo (KB Abobo), Gastambide (JPA GuÂce) at Lord Of War (V DiÂlema) ang kumumpleto sa datingan ng mga naglaban.
Ang win ng JugÂgling Act ay nagpasok pa ng P11.50, habang nasa P36.00 ang dibidendo ng 3-5 sa forecast. (AT)
- Latest