MANILA, Philippines - Bagama’t may 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven finals para sa kampeonato ng 2012-13 PBA Philippine Cup, malayo sa isipan ni Talk ‘N Text head coach Norman Black ang posibilidad ng pagwalis sa Rain or Shine.
“I’m up against (RoS head coach) Yeng Guiao. I’m not going to talk about any sweep,†pahayag ni Black matapos manalo ang Tropang Texters 89-81 sa Game 2 ng kanilang serye noong Miyerkules sa Mall of Asia Arena.
Magbabalik sa Smart Araneta Coliseum ang serye para sa Game 3 ngayon na nakatakda sa alas-6:00 ng gabi.
33 sa kabuuang 39 na lumamang ng 2-0 sa isang best-of-7 sa buong kasaysayan ng liga ang nanalo sa serye, 25 of 32 doon sa PBA finals.
Ang huling koponang lumamang ng 2-0 sa isang PBA finals at nanalo ng kampeonato ay ang Talk ‘N Text din laban sa Po-werade sa Philippine Cup noong nakaraang taon kung saan naging unang koponan sila sa loob ng nakaraang 27 taon na nakapagtanggol ng korona.
Ang huling koponan namang nakabalik mula sa isang 0-2 na pagkabaon sa best-of-7 at nanalo ng serye, finals man o semis, ay ang Tropang Texters din sa 2008-09 Philippine Cup Finals laban sa Alaska, ang kanilang unang kampeonato sa ilalim ng pinalitan ni Black sa TNT na si Chot Reyes.
Para kay Guiao, halos naging kapareho lamang ng Game 2 ang Game 1. Wala umanong ipinagkaiba ang kanilang shooting nang maka-35.5% lamang sa field ang Elasto Painters sa Game 2, halos pareho lamang sa 34.6% sa Game 1.
“We’re still struggling with our shooting. It’s like a continuation of Game 1. We can’t get any shooÂting rhythm going… in the endgame we couldn’t make the big plays,†paliÂwaÂnag ni Guiao, sabay dagdag na lumalabas ang malawak na experience ng TNT. “It’s Talk ‘N Text experience in the Finals that is coming into play especially in the endgame,â€